

Si Knuckles the Echidna sa Sonic the Hedgehog 2 (o simpleng tinatawag na Knuckles sa Sonic 2) ay isang laro sa plataporma kung saan pinagawa ito sa pamamagitan ng pag-lock-on ng Sonic & Knuckles at Sonic the Hedgehog 2 gamit ang teknolohiyang "lock-on" ng unang cartridge. Tulad ng ipinahiwatig ng pangalan nito, ang laro ay halos kapareho ng Sonic the Hedgehog 2 maliban sa pagiging pangunahing playable character ni Knuckles the Echidna, at hindi naman maaaring gamitin si Sonic the Hedgehog at si Miles "Tails" Prower sa laro.